Ilang milyong tao ang pinapanganak sa isang araw?
Ilan dito ang may
taglay na angking kahusayan?
Ilan dito ang
nagtataglay ng maririlag na pagiisip?
Ilan dito ang nakatakda
sa isang dakilang kapalaran?
Napakarami.
Ngunit nasaan silang
lahat?
Waring ang bakas ng
kanilang mga paa'y nagsihayo tungo sa baybayin ng inang lupaing nagpasuso't
nagaruga sa kanila.
Tila sila'y nagsilakbay
sa karagatan ng luha upang masilayan lamang ang mainit na buhangin at ang
napakalamig na niyebe.
Kasuklam-suklam.
Iniwan mo ang iyong mga
kapatid na nagugutom at nagpapatayan habang ika'y nagiisip sa pagtakas ng
sarili't mga minamahal.
Pinagsisilbihan mo ang
estrangherong harap-harapang kinakantot ang iyong inang mahal kapalit ang ilang
salaping hindi man lang matumbasan ang danak ng iyong pawis.
Hinirang kang bayani ng
bayang hindi mo man lamang naisip kahit saglit.
Hinirang kang anak ng
isang bayang ni isang beses ay hindi mo nagawang pasanin.
Bayaning magulang,
bayaning manggagawa, bayaning iskolar-
mga bayaning pansarili
ang layunin.
Nakakatawa.
Ginawa mong puta ang
iyong ina.
No comments:
Post a Comment