Ako na lamag ba ang natitira?
Ako
na lamang ba ang natitirang kabataan na suklam na suklam na sa paggising sa
kama upang masilayang muli ang isa na namang araw na walang patutunguhan?
Ako na lamang ba ang pagod nang maging alipin ng makinarya nitong sistemang paikut-ikot lamang?
Ako na lamang ba ang hindi na kayang masikmura ang kawalan ng pag-asa dito sa ating lupang mahal,
sa tanawin ng mga musmos na namamalimos upang may makain lamang,
sa mga hangal na nagnanakaw at pumapatay sa dahilang ang kanilang mga kaluluwa’y namatay na sa uhaw—
pinagkaitan ni isang patak man lang ng pag-asa.

Ako na lamang ba?
Kung oo, marahil ay nababaliw lamang ako.
Marahil nga ako’y isang kabataang nasiraan na ng bait.
Sinong may matinong pagiisip nga naman ang magpapakamiserable sa problemang di naman niya pinagdurusahan?
Sino ba namang may matinong kaispan ang iiyak sa sugat na hindi naman niya natamo?
Baliw lamang, hindi ba?

Ngunit
anong tawag sa isang kabataang napupuno ng bagabag para lamang sa isang
asignatura?
Anong tawag sa isang kaluluwang nagpapakamatay dahil lamang sa mga numerong nakasulat sa papel?
Anong tawag sa isang taong nagbabayad ng pagkalaki-laking salapi para lamang mamulat sa mundong kanya namang minana at tinirahan?

Sino ang baliw?
Sino si Tasyo at sino si Sisa?
Sino si Tasyo at sino si Sisa?
Sa
kapangyarihan nitong papel at panulat,
lahat ng aking inilalahad ay mistulang makatuwiran.
Ngunit pag naialis na ang mga mata sa mga letra at ang diwa sa bawat salita—
hindi maiaalis kung sino ako.
Mananatiling isang bakanteng silya sa klase,
anak na lalatayan ng sinturon sa puwit,
sampid na kinababahala ng lahat,
pinagiisipan kung ano ba ang mali, kung ano ba ang problema.

Hindi
ko maintindihan kung paano sila nakukuntento sa isang buhay na paikut-ikot
lamang.
Wala namang naaaliw sa paikut-ikot na elesi.
Wala namang musika sa tunog ng sirang plaka.
Paulit-ulit. Walang patutunguhan. Walang silbi.
Ito lamang ba ang kahulugan ng buhay natin?
Kung gayo’y anong kaibahan nito sa kamatayan?
Para ka lamang gumagawa ng kastilyong buhangin sa baybayin na maya’t maya’y sisrain lang din ng alon.

Marahil
ay ito ang kabayaran ng kalayaan.
Ang kasaysayan ay ay naging kasaysayan at nawala sa ating buhay.
Nabuhay tayong payapa’t maginhawa at naniniwala sa kasinungalingang ito ang natural na estado ng mundo.
Ang ligalig at panaghoy ng nakaraan ay naging aliwan na lamang sa mga drama’t pelikula.
Kasabay nito ang pagkamatay ng kahulugan ng buhay,
ang pagkawala ng tunay na kalikasan ng takot,
ang lagim ng kamatayan, ang pagkamatay ng kalayaan, ang kawalan ng kinabukasan ng bayan.

Ngayon,
ang kinamulatan kong kabuluhan ng buhay ay ang mabuhay para magaral,
mabuhay para sa sariling pangarap,
mabuhay para sa indibidwal na kinabukasan.
Pinanghawakan ko ito’t pinaniwalaan hanggang nakita ko ang mga kapatid nating nagdurusa—
nabubuhay lamang para manatiling buhay,
bitbit ang pasanin ng bagabag ng kamatayan at kawalan ng pagasa.

Ang
kalayaan, ang ginhawa, ang kapayapaan ay isa lamang ilusyon.
Hindi ito ang bunga ng krusada ng ating mga bayani.
Hindi pa.

ito ang kanilang pangarap ng iisang bayan.
Tayo ay hati.
Hindi ng relihiyon o ideolohiya,
hindi hiwalay sa dalawa o lima.
Tayo’y hati sa isang daang milyon.
Isang daang milyong indibidwal na may kaya-kanyang direksyon na tinatahak,
Isang daang milyong iba’t ibang pangarap at ambisyon,
Isang daang milyong kaluluwa na nabulag sa katotohanan,
Isang daang milyong alipin ng sariling kagagawan.

Mananatili
ito, sa kasamaang palad.
Mananatili, tulad ko na isang baliw sa paningin ng aking mga magulang, ng aking mga maestro’t maestra, ng aking mga kabata.
Isa lang din naman ako sa isang daang milyong taong may sariling adhikain.
Nananaginip, tulad ng ating mga yumaong bayani.

Ako na lamang ba ang natitira?
Umaasa akong hindi pa.
Umaasa akong hindi na.
Umaasa akong hindi pa.
Umaasa akong hindi na.
No comments:
Post a Comment